Bumili ako ng ticket ko…instead $75..nakuha ko ng $100 ang ticket ko...nagulangan yata ako ng $25..hehehe…sabi ko ok lang basta makapanood. Galing pa ako ng San Francisco at pumunta ng San Jose para lang kunin ang ticket.
Day of the concert:
Umalis ako ng work 6pm…then nakarating me ng San Jose around 6:45pm. Bago ako pumunta sa venue…kumain muna ako sa Jollibee sa may Tully Rd. kasi maaga pa. Tapos 7:10pm…pumunta na ako sa concert. Naghanap muna ako ng parking …inabot ako ng 20 mins …kasi may napasukan akong parking lot na di pwedeng mag park …kaya ikot na naman ako…grabe..heheheh.
Inside the venue:
On time naman nag start kaya nawala ang pagod ko sa kaka hanap ng parking. Lalo na ng marinig ko ang boses ni Juris. First time ko lang narinig and boses ni Juris, pati yung mga kinanta niya paborito ko..kaya nag enjoy talaga ako. Naalala ko tuloy yung high school days ko. Lalo na yung NAKAPAGTATAKA…ang sarap pakinggan. May chance na sana akong makamayan siya..kaso..nahiya ako…dahil puro girls ang lumalapit...hehehe.
After the show:
Bibili sana ako ng CD….pero sabi wala na daw kaya umuwi na ako ng Sacramento.